Linggo, Setyembre 24, 2017

KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN

KABATAAN?PAG-ASA NG BAYAN?

            
Kailan mo masasabi na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan? Maraming kabataan ngayon ang napapariwara dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Hindi lingid sa ating kaalaman,maraming kabataan ang nalulong sa masamang bisyo,bisyong maaaring makasira sa kanilang kinabulasan,kinabukasang dapat paghandaan sa simula palang. Paano nga ba masasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan?



Edukasyon,edukasyong makakatulong sa kinabukasan ng mga kabataan. Edukasyong daan/tungo upang maging matagumpay ang isang kabataan.Edukasyong daan sa mga mithiin ng maraming kabataan maging ng ibang tao. Maraming kabataan ang hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan. Kahirapang nagpapahirap sa ating buhay. Maraming kabataan ang may kakayahang mag-aral o binigyan ng opportunidad na mag-aral pero ano ang ginagawa nila?sila mismo ang sumisira sa kanilang kinabukasan. Ilang oras pa ba ang masasayang?kung patuloy tayong nagsasayang.May pag-asa pa ba kayang uusbong kung  tayo mismo tila sumusuko na. Kung iyo ngang iisipin malaking hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng ating mithin sa buhay,ngunit may magagawa tayo, maraming paraan upang maabot ito ngunit ang iba bakit  tila sumusuko na? Kahit gaano tayo nahihirapan may pag-asang sisilay sa ating buhay. Hindi tayo pababayan ng diyos at wala siyang binigay na pagsubok na hindi natin kakayanin.








        Kabataan, huwag mawalan ng pag-asa,huwag padadaig sa kahirapan at gawing inspirasyon ito. Kabataan, isang pagsubok ang kahirapan na kung saan maaaring maging hadlang sa pagtanaw at pag-abot ng ating pangarap. Kaya natin ito patunayan natin sa ating sarili at sa iba na hindi tayo salot sa lipunan kung hindi tayo ang pag-asa ng bayan.  
        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

This is not the end This is not the end We'll see each other soon When the time we're successful Remembering the memories...