KABATAAN?PAG-ASA NG BAYAN?
Kailan mo masasabi na ang
kabataan ay ang pag-asa ng bayan? Maraming kabataan ngayon ang napapariwara
dahil sa mga problemang kanilang kinakaharap. Hindi lingid sa ating
kaalaman,maraming kabataan ang nalulong sa masamang bisyo,bisyong maaaring
makasira sa kanilang kinabulasan,kinabukasang dapat paghandaan sa simula palang. Paano nga ba masasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan?
Edukasyon,edukasyong makakatulong
sa kinabukasan ng mga kabataan. Edukasyong daan/tungo upang maging matagumpay
ang isang kabataan.Edukasyong daan sa mga mithiin ng maraming kabataan maging
ng ibang tao. Maraming kabataan ang hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan.
Kahirapang nagpapahirap sa ating buhay. Maraming kabataan ang may kakayahang
mag-aral o binigyan ng opportunidad na mag-aral pero ano ang ginagawa nila?sila
mismo ang sumisira sa kanilang kinabukasan. Ilang oras pa ba ang masasayang?kung
patuloy tayong nagsasayang.May pag-asa pa ba kayang uusbong kung tayo mismo tila sumusuko na. Kung iyo ngang
iisipin malaking hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng ating mithin sa
buhay,ngunit may magagawa tayo, maraming paraan upang maabot ito ngunit ang iba bakit tila sumusuko na? Kahit gaano tayo nahihirapan may pag-asang sisilay sa ating
buhay. Hindi tayo pababayan ng diyos at wala siyang binigay na pagsubok na hindi
natin kakayanin.
Kabataan, huwag mawalan ng
pag-asa,huwag padadaig sa kahirapan at gawing inspirasyon ito. Kabataan, isang
pagsubok ang kahirapan na kung saan maaaring maging hadlang sa pagtanaw at pag-abot
ng ating pangarap. Kaya natin ito patunayan natin sa ating sarili at sa iba na
hindi tayo salot sa lipunan kung hindi tayo ang pag-asa ng bayan.